MANILA, Philippines - Inisnab ng cast ng “Dahil May Isang Ikaw” na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ang convention ng Public Attorney’s Office kung saan bibigyan sila ng parangal.
Ipinaliwanag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na masyadong abala sa shooting ang dalawang artista kaya hindi nakarating mtapos na mapili ng “praise committee” ng PAO para mabigyan ng parangal. Sa naturang teleserye ay nabigyan din umano ng pagkilala ang mga abogado ng bayan sa kabila ng maliit ang kinikita ng mga ito, tulad ng ginampanan ni Jericho kung saan sa kabila ng pagiging bar topnotcher ay mas piniling maglingkod sa mahihirap na may kinakaharap na kaso.
Kasama sa mga binigyan ng parangal sina Anchor/broadcaster at host ng programang Rated K na si Korina Sanchez, bilang outstanding lady broadcaster.
Kabilang naman sa nagbigay lecture kahapon ay ang tatlong Associate Justice ng Court of Appeals na sina Justices Magdangal de Leon ; Hector Hofilena (ret) at Hilarion Aquino (ret), gayundin ang Project Officer ng UNICEF na si Atty. Alberto Muyot. (Gemma Garcia)