68,372 biktima ni Ondoy nasagip ng Tulong Villar Relief
MANILA, Philippines - Wala pa ring tigil sa ginagawang relief, rescue and assistance operations sa mga biktima ng delubyong Ondoy ang Tulong Villar Relief Assistance ni Nacionalista Party president Senator Manny Villar, kung saan umabot na sa 68,372 biktima ang nabigyan ng tulong nito.
Nasa 63,932 food packs ang naipamahagi ng grupo sa mga biktima; 4,040 ang nailigtas at 400 biktima ang natulungan sa cleaning operations. Apatnapung trucks naman ang idineploy sa mga area na nangangailangan ng tulong at relief sa buong Metro Manila simula nung Sabado.
Ang Tulong Villar Relief Assistance headquarters ay nakabase sa Vista Land Office sa Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ayon kay Villar na welcome na pumunta sa headquarters ang sinumang gustong tumulong para mag-repack ng mga relief goods at magkarga sa mga truck at ibahagi sa mga apektadong lugar.
Nagpapasalamat din si Villar sa mga nag-volunteer at mga donors at kung sino ang nais na tumulong na magbigay ng donasyon ay maaaring dalhin sa entrance ng Star Mall EDSA.
Ang mga biktimang nangangailangan ng relief at assistance ay maaring tumawag sa 24-hour Tulong Villar Assistance Hotlines: 0905-3316626 at 0917-4226800. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending