^

Bansa

Ahas naglabasan na

-

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Department of Health ang pagbibigay ng anti-venom sa mga makakagat ng ahas o anumang insekto dahil sa paglalabasan ng mga ito dulot ng matinding pagbaha.

Ayon kay Luz Claveria ng DOH operation center, inihahanda na ang mga naturang gamot para ma­iwasan ang paglala ng mga kagat ng ahas at insekto.

Inaasahan na rin ng DOH ang naturang sitwas­yon dahil sa naganap na pagbaha na dala ng bag­yong Ondoy, lalo na ang paglabas ng mga ahas at buwaya.

Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO) sa South-East Asia, tina­tayang nasa 200-300 ka­tao ang nasasawi sa bansa dahil sa kagat ng ahas kada taon at kara­niwang biktima ang mga magsasaka.

Una ng naiulat na na­kikita na ang nagkalat na mga ahas sa ilang lugar sa Quezon City, Marikina, Cainta at Rizal.

Nakakita rin ng mara­ming patay na ahas ang ilang residente ng Cavite matapos na humupa ang baha sa kanilang lugar. (Doris Fran­che/Ludy Bermudo)

vuukle comment

AHAS

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRAN

LUDY BERMUDO

LUZ CLAVERIA

QUEZON CITY

SHY

SOUTH-EAST ASIA

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with