P1-bilyong rehabilitation fund ilalaan sa transport

MANILA, Philippines - Isinusulong ni 1-United Transport Koalisyon (1UTAK) Partylist Rep. Vigor Mendoza II sa Kon­greso ang pagpapalabas ng P1 bilyon bilang Transport Emergency and Relief Assistance (TERA) Fund na maaring magamit ng mga operators at drivers na ang mga pinapa­sa­dang sasakyan ay na­pinsala ng bagyong On­doy.

Sa ilalim ng House Re­solution No. 1434, ang TERA Fund ay gagamitin sa rehabilitasyon ng mga jeepney, taxi, van, tricycle operators at drivers na lubos na napinsala ang kanilang mga pampasa­herong sasakyan mata­pos ito malubog sa tubig-baha.

Umaabot sa 75 por­syento ng mga pampub­likong sasakyan sa Cainta Rizal, Pasig City, Marikina at ilan pang karatig lalawi­gan ang nalubog sa tubig-baha at tuluyan ng hindi umaandar.

Aniya, matinding re­ ha­bilitasyon at pondo ang kailangan upang muling maibalik sa kondisyon ang kanilang mga sa­sakyan upang muling makapag­trabaho at ma­buhay ang kanilang mga pamilya.

Kapag naipasa, ang lahat ng mga apektadong drivers at operators ay maaaring makapag-loan ng hindi hihigit sa P300,000 ng walang in­ teres at ito ay ba­bayaran sa loob ng tatlong taon. (Butch Quejada)

Show comments