P1-bilyong rehabilitation fund ilalaan sa transport
MANILA, Philippines - Isinusulong ni 1-United Transport Koalisyon (1UTAK) Partylist Rep. Vigor Mendoza II sa Kongreso ang pagpapalabas ng P1 bilyon bilang Transport Emergency and Relief Assistance (TERA) Fund na maaring magamit ng mga operators at drivers na ang mga pinapasadang sasakyan ay napinsala ng bagyong Ondoy.
Sa ilalim ng House Resolution No. 1434, ang TERA Fund ay gagamitin sa rehabilitasyon ng mga jeepney, taxi, van, tricycle operators at drivers na lubos na napinsala ang kanilang mga pampasaherong sasakyan matapos ito malubog sa tubig-baha.
Umaabot sa 75 porsyento ng mga pampublikong sasakyan sa Cainta Rizal, Pasig City, Marikina at ilan pang karatig lalawigan ang nalubog sa tubig-baha at tuluyan ng hindi umaandar.
Aniya, matinding re habilitasyon at pondo ang kailangan upang muling maibalik sa kondisyon ang kanilang mga sasakyan upang muling makapagtrabaho at mabuhay ang kanilang mga pamilya.
Kapag naipasa, ang lahat ng mga apektadong drivers at operators ay maaaring makapag-loan ng hindi hihigit sa P300,000 ng walang in teres at ito ay babayaran sa loob ng tatlong taon. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending