Pagbaha gawa rin ng tao

MANILA, Philippines - Hindi dapat isisi sa kalikasan ang naganap na malawakang pagbaha sa bansa na dala ng bagyong Ondoy, dahil ito ay kaga­gawan rin anya ng tao.

Ayon kay Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagda­meo, ang naganap na trahedya ay bunga na rin ng pagsira ng tao sa kal­ikasan, gaya ng pagka­kalbo sa mga bundok at ang patuloy na pagsa­sawalang kibo dito.

Aniya, dapat na mag­silbing aral sa lahat ang nasabing krisis at ito ay panawagan na rin para ingatan at alagaan ang likas na yaman. At ito rin ang pagka­kataon para maipakita ang tunay na diwa ng bayanihan.

Nanawagan din ang arsobispo na tulungan ang mga biktima ni On­doy dahil isa itong pag­pa­pakita ng pasasalamat na nakaligtas sa tra­hedya. (Doris Franche/Mer Layson)

Show comments