Pagbaha gawa rin ng tao
MANILA, Philippines - Hindi dapat isisi sa kalikasan ang naganap na malawakang pagbaha sa bansa na dala ng bagyong Ondoy, dahil ito ay kagagawan rin anya ng tao.
Ayon kay Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, ang naganap na trahedya ay bunga na rin ng pagsira ng tao sa kalikasan, gaya ng pagkakalbo sa mga bundok at ang patuloy na pagsasawalang kibo dito.
Aniya, dapat na magsilbing aral sa lahat ang nasabing krisis at ito ay panawagan na rin para ingatan at alagaan ang likas na yaman. At ito rin ang pagkakataon para maipakita ang tunay na diwa ng bayanihan.
Nanawagan din ang arsobispo na tulungan ang mga biktima ni Ondoy dahil isa itong pagpapakita ng pasasalamat na nakaligtas sa trahedya. (Doris Franche/Mer Layson)
- Latest
- Trending