^

Bansa

Food riot sa Rizal!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bunsod ng matinding gutom, hinaharang at bi­nabato na ng mga uma­no’y evacuees ang mga truck na nagdadala ng mga relief goods sa Rizal, lalo na sa mga lugar na hindi pa naaabot ng tu­ long.

Ayon kay Defense Secretary at National Disaster Coordinating Council Chairman Gilberto “Gibo” Teo­doro Jr., kinukuyog na ang mga truck na nagdadala ng mga pagkain at iba pang uri ng supply para sa mga biktima ni Ondoy.

“We received reports na binabato, hinaharang at kinukuyog na ang truck ng mga nagbibiyahe ng relief goods sa Cainta, Taytay area, posible mga evacuees din ito na gutom na ta­laga o maari ring ibang grupo.” ani Teodoro.

Ipinaliwanag ni Teodo­ro na may ilang lugar sa Cainta at Rizal na hindi pa rin mapasok ng relief operation dahil mataas pa rin ang tubig baha, kaya napipilitan ang mga kalala­kihan dito na kuyugin at harangin ang mga truck na may dalang relief goods para may makain.

Nanawagan din si Teo­doro sa mga civilian volunteer group na patuloy na makipagkoordinasyon para mahatiran agad ng relief goods ang mga biktima sa naturang mga lugar, kasabay ang pagbi­bigay ng security escorts sa mga truck ng relief goods habang ang tropa ng militar ay magsasa­gawa naman ng clean-up drive, lalo na sa bahagi ng Cainta.

Inatasan naman ni Phi­lippine Air Force Chief Lt. Gen. Oscar Rabena da­kong alas-7:30 ng umaga na paliparin na ang mga Huey helicopters para maghatid ng mga relief goods sa mga lugar na hindi mapasok ng mga truck.

Samantalang maging ang mga truck ng Phil. Air Force at Phil. Army ay gi­namit na rin para tumulong sa paghahatid ng mga relief goods.

AIR FORCE

AIR FORCE CHIEF LT

CAINTA

DEFENSE SECRETARY

GOODS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL CHAIRMAN GILBERTO

OSCAR RABENA

RELIEF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with