MANILA, Philippines - Binigyan lamang ng Department of Justice ng hanggang sa susunod na linggo si Senador Panfilo Lacson upang magsumite ng kanyang counter affidavit kaugnay sa pagkamatay ng publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.
Dahil dito, inatasan ni Senior State Prosecutor Peter Ong, chairman ng panel, si Atty. Alexander Poblador na isa sa abogado ni Lacson na isumite ang counter affidavit sa Oktubre 8 kung ayaw nitong ikonsidera na waved ang kanyang karapatan na marinig kaugnay sa nasabing usapin.
Sinabi ni Ong na nakapagsumite na ang National Bureau of Investigation ng mga dokumento at ebidensya na hinihingi ni Lacson kaugnay sa November 2000 hang gang March 2001 investigation sa crime scene sa Indang, Lejos sa Cavite kung saan natagpuan ang sunog na bangkay nina Dacer at Corbito. (Gemma Amargo-Garcia)