Oil rollback ng Shell ipinatupad
MANILA, Philippines - Nagbawas ng presyo ng diesel at gasolina ang Pilipinas-Shell Corporation bilang pagsunod sa galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na pamilihan.
Sinabi ni Shell vice-president for communications Bobby Kanapi na P1 ang ibinaba sa ka nilang gasolina kada litro habang P.50 sentimos naman sa kanilang diesel. Epektibo ang naturang rollback dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.
Upang makatulong naman sa mga motorista na lumubog sa baha, hindi magbabago ng presyo ang Shell ng kanilang mga “lubricants” na langis sa buong buwan ng Oktubre dahil sa inaasahan na marami ang magpapa-change oil ng kanilang mga sasakyan. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending