SSS loan bukas din sa biktima ni Ondoy

MANILA, Philippines - Bukas ang Social Security System sa pagtanggap ng aplikasyon para sa pautang mula sa mga miyem­bro nito na sinalanta ng bagyong Ondoy.  

Ayon kay SSS Vice President for Media Affairs Joel Palacios, walang calamity loan na ipag­ kakaloob ang SSS sa mga miyembro pero maaaring makautang ng salary loan kahit may outstanding salary loan pa ito sa ahensiya na nakabayad na ng may isang taon.   

Kasing halaga anya ng salary loan amount o dalawang buwang sahod nito ang maaaring utangin sa SSS.  

Kailangan lamang anyang magpakita ang isang miyembro ng certification mula sa barangay na ito ay sinalanta ng naturang bagyo. (Angie dela Cruz)

Show comments