MANILA, Philippines - Ginagamit umano ng ilang tiwaling negosyante ang palarong Virtual 2 o karera ng pagong bilang front ng jueteng sa Luzon at Visayas.
Nagmistulang legal ang Virtual 2 dahil sa isang injunction order sa isang regional trial court sa Aparri na duminig sa isang kasong may kaugnayan sa naturang palaro.
Ang dating malapit na kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Charlie “Atong” Ang ang nagmamaniobra umano sa nasabing palaro, ayon sa impormante.
Kinuwestyon ng ilang kritiko kung bakit pinahihintulutan sa bansa ang Virtual 2 kahit hindi nagbabayad ng kaukulang buwis at ginagamit lamang daw na prente ng jueteng.
Batay sa impormasyon, lantaran umano ang VIRTUAL2 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Nueva Vizcaya, Baguio, Iloilo, Rizal, Apari, Isabela at Bataan bagaman ang injunction order ay nagmumula lamang sa Apari.