^

Bansa

73 patay kay Ondoy!

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umabot na sa 73 ka­tao ang nasawi, 23 ka­tao pa ang nawawala at ma­higit sa 60 libong pa­milya ang naapektuhan sa loob lamang ng siyam na oras na pananalasa ng bag­yong Ondoy na nag­dulot ng matinding pag­buhos ng ulan at pagbaha sa Metro Manila at karatig bayan.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teo­doro, chairman ng National Coordinating Council (NDCC), sa kanyang ulat kay Pangulong Arroyo, sa naitalang rekord ganap na alas-12 ng tang­hali kahapon, 59, 241 pamilya ang na­apek­tu­han.

Mahigit naman sa 9,601 pamilya o 47,146 katao ang inilikas, habang may 280,000 katao ang nawalan ng tirahan sa Manila at limang kalapit probinsya, habang 41,000 ang inilagak sa 92 na evacuation centers.

Ayon sa PNRC, hang­gang 11:30 ng umaga kahapon, umaabot sa 49 munisipalidad, 137 ba­rangay, 4,327 pamilya, at 7,022 katao ang naitala nilang naapektuhan ng bagyo.

Naglagay na rin ang pamahalaan ng tatlong drop-off points para sa mga relief goods na ibi­bigay sa mga biktima ng naturang bagyo para maging systematic ang pagbagsak ng mga donations tulad ng tubig, damit, blanket at pag­kain.

Ganap na alas-4 ng umaga kahapon ay na­ma­taan si Ondoy papa­layo sa bansa patungong South China Sea.

Si Ondoy ang pang-15 tropical cyclone na pu­masok sa bansa ngayong taon, na nagdala ng ma­lakas na hanging sa gitna na 95 kph, kung saan kinokonsidera ng PAGASA na hindi gaanong kala­kasan.

Ngunit, ayon sa PAGASA ang bagyo ay nagdala ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa buong Luzon at isla sa hilagang Min­doro na nagdulot ng pag­baha.

Umabot sa kabuuang P410.6 millimeters (16 inches) ang pagbuhos ng ulan, tinalo ang dating rekord nito sa isang araw na 334 millimeters noong Hulyo 1967.

AYON

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEO

METRO MANILA

NATIONAL COORDINATING COUNCIL

ONDOY

PANGULONG ARROYO

SHY

SI ONDOY

SOUTH CHINA SEA

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with