MANILA, Philippines - Makakaasa na ang mga residente sa Metro Manila ng maagang rehabilitasyon ng Pasig River dahil sa 24-oras itong nililinis.
Ang pahayag ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza ay kasunod ng report ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakahukay noong Miyerkules ng 65-taong-gulang na tangkeng pandigma sa bukana ng Manila Bay sa South Harbor.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesman Armand Balilo, isang tauhan ng Kwan Sing Construction Corp. ang aksidenteng na katuklas sa Sherman M4-A1 tank habang nagsasagawa ng dredging operations dito kung saan may karga pa itong mga bala ng Garand rifles na maaari pang makapaminsala.
Ang nasabing tangke ay inilagak naman sa District’s Special Operations Group ng PCG sa Parola, Tondo, Manila.
Nauna rito, nakatuklas din ang mga naghuhukay at sea marshals ng lumang cannon shells na kanilang ipinagkatiwala sa District’s Special Operations Group ng PCG sa Parola, Tondo.
“This only means that dredging the Pasig River to regain its pristine condition is being done without letup. With the help of Baggerwerken Decloedt N.V. Philippines, we assure everyone that we could revive the waterway as early as possible,” sabi pa ni Sec. Atienza.
Sa makabagong teknolohiya at kasanayan, sinabi ng kalihim na wala silang duda sa husay ng kontraktor para hindi nila makamit ang layunin para sa Pasig River.
Nilinaw naman ni PRRC Executive Director Architect Deogracias Tablan, Jr., na walang kinalaman sa Pasig River Dredging Project ang Kapit Bisig para sa Ilog Pasig dahil prayoridad ito ng DENR bilang pagtutuwid sa naging balita ng isang TV station. (Ludy Bermudo)