Barangay tanod tatanggalin na

MANILA, Philippines - Unti–unti nang tatang­galin ang mga tanod sa mga barangay sa buong bansa, ayon kay Sr. Supt. Agrimero Cruz, pi­nuno ng Research Department ng Directorate for Police Community Relations ng Philippine National Police.

Nilinaw naman ni Cruz na, bagaman mawawala na ang mga tanod, ipaki­kilala naman ng PNP ang Barangay Peacekeeping Action Team na siya na­mang magiging katuwang ng pulisya bilang mga force multipliers sa pag­mamantine ng peace and order sa mga komunidad.

Sinabi pa ni Cruz na nasa ilalim pa rin ng pa­munuan ng isang ba­rangay ang control o hurisdikyon sa BPAT at ang tanging papel lamang ng PNP ay ang umakto bilang co-supervisor.

Ayon pa sa opisyal, ang unti-unting pagtang­gal sa barangay tanod ang mas magpapataas ng propesyunalismo nito sa ilalim ng BPAT.

Nabatid na ang mga kuwalipikadong maging kasapi ng ipinakikilalang BPAT ay mula sa iba’t-ibang sectoral group tulad ng mga guro, engineer, at doctor. (Joy Cantos)

Show comments