^

Bansa

Erap kasuhan n'yo! - Ping

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakahanda si Senator Panfilo “Ping” Lacson na makipag-tulungan sa pamilya ni Edgar Bentain, ang dating Pagcor employee na dinukot dahil sa pagli-leak ng video ni dating Pangulong Joseph Estrada habang nagsu­sugal, kung sasampahan nila ng kaso ang dating pangulo.

Hinamon ni Lacson ang pamilya ni Bentain na kasuhan si Estrada kung nais nilang mabigyan ng katarungan ang nangyari sa kanilang kapamilya.

“Of course. They are challenging me to bring them to court. So I’ll take up the challenge,” sabi ni Lacson.

Naniniwala si Lacson na nasa kamay ng pa­milya Bentain ang desis­yon na habulin ang kaso para makamit ang hus­tisya.

Ayon pa kay Lacson, handa rin siyang tulungan na maging state witness ang dating police officer na may kinalaman sa pagdukot kay Bentain upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pag­kawala nito.

Magugunitang sinabi ni Lacson na isang emi­saryo ng police officer ang nagtungo sa kanya upang aminin ang direk­tang partisipasyon sa pagdukot kay Bentain.

Pero wala umanong kinalaman sa paglikida kay Bentain ang nasabing police officer dahil ibi­nigay umano nila sa ibang grupo ang biktima mata­pos itong dukutin.

Tumanggi naman si Lacson na pangalanan ang lumapit sa kaniya pero kinumpirmang isa itong retiradong police officer.

AYON

BENTAIN

EDGAR BENTAIN

HINAMON

LACSON

MAGUGUNITANG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENATOR PANFILO

SHY

SO I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with