^

Bansa

5-M botante binura ng Comelec

-

MANILA, Philippines - Mahigit limang milyong pangalan ng botante ang inalis ng Commission on Elections sa kanilang voters’ list kasunod nang isinagawa nilang massive clean-up.

Ayon kay Comelec Com­missioner Rene Sar­miento, umabot sa 5,584,449 pangalan ang natanggal nila sa listahan kabilang na ang mga nabigong makaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon, nagkaroon ng foreign citizenship, naha­tulan ng korte, at ang mga nasawi na.

Umabot naman aniya sa 2,653,594 ang mga bagong botante na naka­pagparehistro sa Comelec.

Dahil dito, nasa 44 milyon na ang kabuuang bilang ng mga rehistra­dong botante sa bansa.

Ayon kay Sarmiento, inaasahan ng Comelec na aabot sa 47 milyon ang kabuuang bilang ng mga botante sa bansa bago ang deadline ng pagpa­pare­ histro sa Oktubre 30, 2009.

Bibigyan nila ng kopya ng voters’ list ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Kasabay nito ay hini­kayat rin naman ni Sar­miento ang mga hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang nalala­bing panahon upang ma­kapagpa-register sa Co­melec at makaboto sa 2010. (Mer Layson)

AYON

BIBIGYAN

COMELEC

COMELEC COM

DAHIL

MER LAYSON

PARISH PASTORAL COUNCIL

RENE SAR

RESPONSIBLE VOTING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with