MANILA, Philippines - Nagwagi sa isang mock elections para sa mga presidential bets na isinagawa kahapon ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas si Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. kaugnay ng gaganaping 2010 national elections sa bansa.
Sa 21 bumoto, nakakuha ng walong boto si Teodoro; pangalawa ang pinsan at katunggali nitong si Benigno Simeon “Noynoy“ Aquino III, 4 na boto; nag-tie naman sa tigatlong boto sina Francis ‘Chiz’ Escudero, Manny Villar at dating pa ngulong Joseph Estrada.
Wala namang nakuhang boto si Loren Legarda sa mock polls ng KBP Manila Chapter na pinangunahan ng Pangulo nito na si Rey Langit.
Sa panig ng mga bumoto kay Gibo, naniniwala ang mga itong siya ang pi nakakuwalipikado sa hanay ng mga presidentiables.
Si Gibo ay isang bar topnotcher at nagpakadalubhasa sa Harvard University sa Estados Unidos, isang premyadong Law School sa nasabing bansa.
Nang matanong naman si Teodoro ay ikinatuwa nito ang pagwawagi sa naturang ‘mock polls’. (Joy Cantos)