Puno di pa siguradong bise ni Gibo
MANILA, Philippines - Wala pang kasiguruhan na si DILG Secretary Ronaldo Puno ang magiging runningmate ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa ilalim ng Lakas-Kampi-CMD.
Sinabi ni Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III, malalaman ang magiging pambato ng administration party sa vice presidential bet kasama ang buong senatorial slate sa darating na party convention sa October 21.
Ayon kay Bello, ang national executive committee ng Lakas-Kampi-CMD ay nagkaroon pa lamang ng consensus para sa magiging standard bearer ng partido at ito ay si Sec. Teodoro subalit ang magiging vice-presidential candidate ay hindi napag-usapan dito.
Lumitaw na si Puno ang posibleng maging ka-tandem ni Teodoro dahil ito pa lamang ang nagpapahayag ng intensyong tumakbong vice-president.
Subalit ngayon ay lumulutang na nais na rin tumakbong VP nina MMDA Chairman Bayani Fernando at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na itinutulak ng ilang gobernador at iba pang personalidad. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending