Problema sa Mindanao hiling solusyunan
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang mga kabataang Muslim sa gobyerno na solusyunan ang mga problema sa Mindanao, partikular na ang matagal ng alitan sa pagitan nito at ng mga rebelde.
Ayon kay Southern Philippines Development Authority Corporate Secretary Datu Reza Cang Sinsuat, dapat na tutukan ng gobyerno ang edukasyon at paunlarin ang ekonomiya sa Mindanao para sa mga kabataan dito dahil ito pa rin ang magiging susi ng matagumpay na kinabukasan ng mga ito.
Sa pagtatapos ng Eid ul-Fitr, sinabi din ni Shahana Abdulwahid, nagtapos sa University of the Philippines, na dapat maging makabuluhan ang pagdiriwang nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang mithiing mapaunlad ang Mindanao at ang mga kababayang muslim. Anila, dapat na rin putulin ang ugat ng hidwaan dito.
Ang dalawang nabanggit na kabataan ay kabilang sa Ten Outstanding Muslim Youth (TOMY).
Malaki ang kanilang paniniwala na makakamit pa rin ang kapayapaan sa rehiyon sa diplomatikong pamamaraan. Ang Mindanao ay patuloy na naghihirap dahil sa kaguluhang nagaganap doon. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending