Libu-libong manggagawa, residente sa North Harbor nag-aklas

MANILA, Philippines - Mahigit sa 5,000 mang­gagawa, truck drivers, pe­ dicab, vendors at mga re­sidente sa pantalan ang nagsagawa kahapon ng kilos protesta mula sa Pier 16 hanggang sa harapang tanggapan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Port Area, Maynila, para ipakita ang kanilang galit at pagtutol sa implemen­ tas­yon ng Manila North Harbor Modernization Project.

Ang mga raliyista ay mga miyembro at kinata­ wan ng apat na malalaking grupo na tutol sa proyekto na pinangungunahan ng grupong United Filipino Seafarers (UFS) Pagka­kaisa ng mga Mangga­gawa sa Pantalan, Nagka­kaisang Manileno Tungo sa Pagbabago at North Harbor Multi-Purpose Vendors Cooperative.

Ayon kay Engr. Nelson Ramirez, pangulo ng UFS, ang  isinagawang kilos-pro­testa ay patunay lamang na libo-libo ang tumututol sa Manila North Harbor Mo­dernization Project na ma­lapit ng i-award ng PPA sa nag-iisang project bidder na kumpanya o consortium.

Hinamon ni Ramirez ang isang nagpapakilalang grupo ng Alyansa na nag­palabas ng anunsiyo sa ilang pahayagan noong isang linggo na dumide­pensa sa Manila North Harbor Modernizartion Project na lumabas ng lansangan at ipakita kung mayroon nga silang mga miyembro.

“Ang naturang grupo ng Alyansa ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon o grupong desperadong nagmamadaling makopo ang Manila North Harbor Modernization Project, kung totoong ang kanilang grupo ay dapat lumabas din sila sa lansangan at sabihin ang kanilang posisyon, tulad ng ginawa namin,” sabi ni Ramirez. (Butch Quejada)

Show comments