^

Bansa

Dagdag service fee iaatras na ng PHAP

-

MANILA, Philippines - Posibleng hindi na ituloy ng mga pribadong ospital sa bansa ang pagdadagdag ng singil sa service fees matapos ang pakikipagpulong ng Department of Health (DOH) sa Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) kahapon.

Sinabi ni Health Un­dersecretary Alexander Padilla na marami sa ki­natawan ng mga priba­dong ospital ang nalina­wan na sa isyu at posi­bleng magdalawang-isip na ang mga ito kung itu­tuloy pa ang dagdag na 10 porsyentong singil sa mga serbisyo sa pas­yente.

Kabilang sa napag-usapan ang rebates o pagsalo ng pharmaceutical companies sa mga ibini­gay nilang diskwento sa essential medicines na ipinatutupad ng pamaha­laan alinsunod sa Chea­per Medicines Act na nagsi­mula noong Agosto 15.

Sinabi ni Padilla na tutuparin naman ng drug companies ang pangako sa in-house pharmacies ng mga pribadong ospital na mare-imburse ang kaltas presyo.

Dahil dito, maaring iu­rong na rin ng pamaha­laan ang bantang pagpa­pabukas ng libro ng mga pribadong ospital upang patunayan kung sila ay nalulugi dahil sa price-cut ng mga gamot. (Ludy Bermudo/Doris Franche)

ALEXANDER PADILLA

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH UN

LUDY BERMUDO

MEDICINES ACT

PHILIPPINE HOSPITALS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with