^

Bansa

Sa C5 road issue, Jamby at Ping kuryente na, sablay pa

-

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Na­cionalista Party Spokesperson Gilbert Remulla na nilalangaw na ang pag­dinig ng Senado sa isyu ng kontrobersyal na double insertion sa budget ng pro­yekto sa C5 Road na isina­sangkot kay Senador Manny Villar.

Pinuna ni Remulla na sumablay at kuryente pa ang ibinibintang nina Se­nators Panfilo Lacson at Jamby Madrigal kay Villar kaugnay ng naturang pro­yekto.

Matapos anya ang isang taon, 16 na pagdinig, at walang humpay na pag­subok sa pagbakbak kay Villar, wala nang masung­kit na pangdiin dito sina Lacson at Madrigal.   

Inihalimbawa ni Re­mulla ang isa pang pag­dinig kahapon na, rito, lu­mitaw na walang bahid ng anomalya sa C5 batay sa testimonya ng kinatawan ng Adelfa properties at ng Bureau of Internal Revenue.

Idinagdag niya na, tulad sa pagdinig kahapon, ma­rami na ang bakanteng upuan ng mga senador at mga tagamasid. “Di na rin ka­ilangan ng mikropono sa session hall. Sa konti ng tao madaling magkaka­rinigan. Me echo pa,” sabi pa ni Remulla.

Lumalabas na puro kasinungalingan diumano ang mga akusasyon laban kay Villar na kandidatong pre­sidente ng NP sa hala­lan sa 2010.

Mistula anyang nadu­rog na singpino ng pulbos ang mga argumento nila Lacson at Madrigal.

Naipa­liwanag ng ma­ayos ni Ginoong Anastacio Adria­no, dating Chief Operating Officer ng Adelfa properties na walang bahid ng ano­malya ang transak­syon sa C5. Ayon naman kay retired at dating Revenue District Officer Car­melita Ba­cod, nagbayad ng tak­dang bu­wis ang grupo ni Sena­dor Villar ng maganap ang transaksyon sa mga lupang pinag-uusapan.

Kaugnay nito, iginiit ni Remulla na dapat humingi ng paumanhin sina Lacson at Madrigal kay Villar at bayaran ang pondong nagastos sa mga pagdinig sa C5.

“Kung hindi kayang mag-sorry, eh magpasala­mant na lang sila kay Sen. Villar dahil sa dami ng na­biya­yaan sa C5 project at umalwan ang biyahe ng mga moto­rista,” dagdag pa ni Re­mulla. (Butch Quejada)

ADELFA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH QUEJADA

CHIEF OPERATING OFFICER

GINOONG ANASTACIO ADRIA

JAMBY MADRIGAL

KAY

LACSON

REMULLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with