^

Bansa

Hindi killer si Erap - Enrile

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol kaha­pon ni Senate President Juan Ponce Enrile si dating Pangulong Joseph Estrada sa akusasyong sangkot ito sa pagpas­lang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito.

Idiniin ni Enrile sa kanyang privilege speech na hindi mamamatay-tao si Estrada at inisa-isa niya ang mga mabuting kata­ngian nito mula nang mag­kasama sila sa Sena­do noong 1987.

Dahil dito, sinabi ni En­rile na nasaktan siya habang pinapakinggan niya ang privilege speech ni Senador Panfilo Lac­son noong nakaraang linggo na tumalakay sa personal na nalalaman nito sa tunay na pagkatao ni Estrada.

Limang taon anya si­lang magkatabi sa upuan ni Estrada sa Senado at sa buong panahon iyon ay hind niya ito nakitaan ng kayabangan at pag­mamarunong.

Madalas din umanong nilalait si Estrada dahil sa kanyang pagsasalita ng Ingles at nakita niya ang kanyang pagiging totoong tao at hindi mapagkun­wari.

Ikinuwento pa ni En­rile na noong 1990 ng arestuhin siya dahil sa non-existent crime na “Rebellion Complexed with Murder” sa mismong floor ng Senado, si Es­trada lamang ang suma­ma sa kanya ng dalhin siya sa National Bureau of Investigation.

“Manong, sasama ho ako. Mahirap na baka may masamang mang­yari sa inyo. Kababaril lang kay Pepe Oyson sa isang police van,” sabi umano ni Estrada kay Enrile.

“Ipagpaumanhin sana ni Senador Lacson na sa aking pagkakakilala kay Erap, hindi ako handang kagyat lang maniwala na ang dating pangulo ay isang mamamatay-tao. Marami ng kasalanan at batikos sa kanya subali’t mahirap at masakit sa akin ang isipin na siya ay isang pusakal,” sabi pa ni Enrile.

Ayon pa kay Enrile, kung may ebidensiyang magpapatunay na si Estrada ay nagkasala at ito ay mapagtitibay sa ilalim ng batas at sa harap ng hukom, hindi niya ito pagtatakpan.

“Subalit hindi ko siya iiwanan bilang kaibigan sa panibagong pagsu­ bok na ito,” sabi pa ni Enrile.

Umapela pa si Enrile kay Lacson na kung may basehan ang mga aku­sasyon kay Estrada tung­kol sa kaso nina Dacer at Corbito, mas makakabu­ting ihain ito sa korte.

Sa korte lamang aniya mabibigyan ng “fair, impartial, at equal opportunity” si Estrada upang maipagtanggol ang kan­yang sarili.

EMMANUEL COR

ENRILE

ESTRADA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEPE OYSON

REBELLION COMPLEXED

SALVADOR DACER

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with