MANILA, Philippines - Ipinalabas na kahapon ng Commission on Elections ang isang resolusyon na nagtatakda sa Oktubre 12, 2009 ng pagsisimula ng rehistrasyon ng mga botante para sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Matatapos ang rehistrasyon sa Oktubre 31 ng taon ding ito.
Kabilang sa mga maaring makapagparehistro ang mga residente ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur. (Doris Franche)