MANILA, Philippines - Ginunita kahapon ng ilan sa mga biktima ng kalupitan ng batas militar ang ika-37 taong annibersaryo ng pag kakadeklara nito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon Avenue sa Edsa.
Ang selebrasyon ay sinimulan sa isang misa na pinamunuan ni running priest Fr. Robert Reyes na binalik tanaw ang mga pangyayari nang ideklara ang batas militar ng dating diktador.
Dumalo sa misa si Senador Noynoy Aquino, Mar Roxas, Kiko Pangilinan, Butch Abad at Riza Hontiveros.
Pinagtabi naman ng mga militanteng grupo ang larawan ni Marcos at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang iparamdam sa mga presidentiables na hindi na dapat tularan ang dalawa na wala umanong pinagkaiba sa ipinaranas sa sambayanan.
Mahigit 500 militanteng indibidwal ang nagsagawa ng kani-kanilang kilos-protesta sa paanan ng Mendiola Bridge malapit sa Malacañan upang ipakita ang matinding pagtutol sa batas militar habang inihanay din ang mga litrato ng human rights victims at ang mga anti-riot police ay nakaantabay. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)