^

Bansa

Batas Militar ginunita

-

MANILA, Philippines - Ginunita kahapon ng ilan sa mga biktima ng kalupitan ng batas militar ang ika-37 taong anniber­saryo ng pag­ kaka­deklara nito ni dating Pa­ngulong Ferdinand Mar­cos sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon Avenue sa Edsa.

Ang selebrasyon ay sini­mulan sa isang misa na pi­namunuan ni running priest Fr. Robert Reyes na binalik tanaw ang mga pangyayari nang ideklara ang batas militar ng dating diktador.

Dumalo sa misa si Sena­dor Noynoy Aquino, Mar Ro­xas, Kiko Pangilinan, Butch Abad at Riza Hontiveros.

Pinagtabi naman ng mga militanteng grupo ang lara­wan ni Marcos at Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo upang ipa­ramdam sa mga presiden­tiables na hindi na dapat tu­laran ang dalawa na wala uma­nong pinagkaiba sa ipina­ranas sa samba­yanan.

Mahigit 500 militanteng indibidwal ang nagsagawa ng kani-kanilang kilos-pro­testa sa paanan ng Men­diola Bridge malapit sa Ma­la­cañan upang ipakita ang matinding pagtutol sa batas militar habang ini­hanay din ang mga litrato ng human rights victims at ang mga anti-riot police ay naka­antabay. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)

BUTCH ABAD

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

KIKO PANGILINAN

LUDY BERMUDO

MAR RO

NOYNOY AQUINO

QUEZON AVENUE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with