^

Bansa

Lie test hamon kay Lacson

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating Police Superintendent Cezar Mancao, si Senador Pan­filo Lacson na sumailalim sa “lie detector test” upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng katoto­hanan.

Sa pagdalo kahapon sa Balitaan sa Tinapayan, sa Dapitan, Sampaloc ni Atty. Topacio, sinabi niya na nakahanda siyang isoli ang lisensiya sa Korte Suprema at talikuran ang pagiging abugado kung siya ang matutukoy na hindi nagsasabi ng totoo subalit hinamon naman si Lacson na kung negatibo ang resulta, dapat rin umanong magbitiw sa posisyon ang senador.

Partikular na pinasinu­ngalingan ni Lacson na siya at ang ilang supporters ni Senator Manny Villar at abogado ng pa­milya Dacer na si Atty. Demetrio Custodio ang kumuha sa testigong si Lymith Bagual, ang la­ban­dera na ihaharap sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagka­kasangkot niya sa Dacer-Corbito double murder case.

Iginiit pa ni Topacio na batay sa naging testi­mon­ya ng kliyente niyang si Mancao, walang direk­tang ebidensiya na nag­sasang­kot kay dating Pa­ngulong Joseph Es­trada, sa halip ay mas ma­bigat pa umano ang pagdadawit kay Lac­son sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Em­ma­nuel Corbito noong 2000.

Mariin ding pinabu­laanan ni Topacio ang ale­gasyon ni Lacson na siya ang nagbibigay ng impormasyon kay Senator Jinggoy Estrada.

Gayunman, inamin niya na siya ang gumawa ng statement sa Senate media na ginamit at bina­sa ni Jinggoy sa kanyang privilege speech ng “word for word”.

Nanawagan din si To­pacio kay Lacson na mag­sabi lang ng totoo at kung may ebidensiya ay sa korte ito dalhin at huwag idaan sa privilege speech.

DACER

DEMETRIO CUSTODIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND TOPACIO

JOSEPH ES

KORTE SUPREMA

LACSON

LYMITH BAGUAL

SHY

TOPACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with