MANILA, Philippines - Sa gitna ng panganib, pinahihintulutan ng RP-US Visiting Forces Agreement ang mga sundalong Amerikano na magpaputok ng baril upang idepen sa ang kanilang mga sarili sa kaling atakehin sila ng mga Islamic militants kaugnay ng isinasagawa ng mga itong humanitarian mission sa Western Mindanao partikular na sa lalawigan ng Sulu.
Ito ang nilinaw kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Victor Ibrado dahil sa pag kuwestiyon sa umano’y pagpapaputok ng ilang sundalong Kano matapos ang mga itong hagisan ng granada ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf habang nagbababa ng supplies mula sa isang bangkang de motor sa pier ng Jolo, Sulu noong Setyembre 14.
Sa nasabing insidente ay wala namang nasugatan at nasawi.
Sa kasalukuyan, ayon kay Ibrado, iniimbestigahan na nila ang insidente at nakiusap ring huwag muna itong husgahan hangga’t hindi pa nababatid ang tunay na pangyayari. (Joy Cantos)