^

Bansa

US troops puwedeng magpaputok sa gitna ng panganib - AFP

-

MANILA, Philippines - Sa gitna ng panganib, pinahihintulutan ng RP-US Visiting Forces Agree­ment ang mga sundalong Ame­­ri­kano na magpapu­tok ng baril upang idepen­ sa ang kanilang mga sarili sa­ kaling atakehin sila ng mga Isla­mic militants ka­ugnay ng isi­­nasagawa ng mga itong humanitarian mission sa Western Min­danao parti­kular na sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang nilinaw kaha­pon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Victor Ibrado dahil sa pag­ kuwestiyon sa umano’y pagpapapu­tok ng ilang sundalong Kano matapos ang mga itong hagisan ng granada ng mga pinag­hihinalaang bandidong Abu Sayyaf habang nagbababa ng supplies mula sa isang bangkang de motor sa pier ng Jolo, Sulu noong Set­yembre 14.

Sa nasabing insidente ay wala namang nasuga­tan at nasawi.

Sa kasalukuyan, ayon kay Ibrado, iniimbestiga­han na nila ang insidente at nakiusap ring huwag muna itong husgahan hangga’t hindi pa naba­batid ang tunay na pang­yayari. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

IBRADO

ISLA

JOY CANTOS

SHY

VICTOR IBRADO

VISITING FORCES AGREE

WESTERN MIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with