^

Bansa

Noli pinagso-sorry sa mga tinawag nitong 'KSP'

-

MANILA, Philippines - Pinahihingi ng pa­uman­hin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Vice President Noli de Castro matapos itong magpakita ng pagkapikon ng siga­wan ng ilang urban poor ng magtalumpati ito ka­makalawa sa Laguna.

Sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog na ipi­nakita na ni de Castro sa publiko ang tunay na ugali nito na pagiging anti-poor.

Mula umano sa pagi­ging boses ng bayan noong anchor pa ito sa telebisyon ay nagiging kalaban na ito ng mahi­hirap at mukhang naha­ wa na raw ito sa tina­tawag nilang demolition king na si MMDA Chairman Ba­yani Fernando.

Ayon kay Labog, ma­da­ling naputol ang pisi ni de Castro sa urban poor group na nagprotesta dito kamakalawa dahil hindi naman maimplu­wensiya.

Pero sa ginawa uma­no nito sa Laguna, lalong sinira ni de Castro ang tsansa nitong umangat pa sa politika.

Nitong Huwebes, si de Castro ay napikon at tinawag na KSP o ku­lang sa pansin ang mga mara­litang tagalungsod na tumawag dito bilang tuta ni Pangulong Gloria Arroyo. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CHAIRMAN BA

CHAIRMAN ELMER LABOG

CRUZ

FERNANDO

KILUSANG MAYO UNO

NITONG HUWEBES

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with