Seguridad ni Dumlao mas lalong hihigpitan
MANILA, Philippines - Mas hihigpitan ng National Bureau of Investigation ang pagbibigay ng seguridad kay dating Sr/Supt. Glenn Dumlao lalo pa’t ito ay isa ng testigo sa kontrobersiyal na Dacer-Corbito double murder case.
Ayon kay Deputy Director for Intelligence Services Atty. Ruel Lasala, hindi tatratuhin ng NBI bilang akusado si Dumlao kundi isang ordinaryong testigo lang na may mahigpit na seguridad.
Aniya, kinakailangang bantayan mabuti si Dumlao dahil hindi maikakaila ang ilang banta sa seguridad nito kaugnay sa kasong kinasasangkutan.
Idinagdag pa ni Lasala na mananatili sa kanilang kustodiya si Dumlao hanggang matapos ang kaso, maliban na lang kung ipag-uutos ng Department of Justice na ilabas ito mula sa kustodya ng NBI. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending