MANILA, Philippines - Pinalakas ni Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang Caloocan City Rabies Control Coordinating Committee na nagpapatupad ng karagdagang istratehiya upang mabantayan ang publiko laban sa mapanganib na sakit na rabies.
Ayon kay Mayor Recom, kailangang iorganisa ang komite sa anti-rabies para lalong mapalakas ang mga programa ng pamahalaang lungsod, partikular na ang City Veterinary Office, hinggil sa pagkontrol sa rabies.
Bukod naman sa paglikha ng mga pang-madalian at pang-matagalang polisiya laban sa naturang animal-borne disease, sinabi ni Echiverri na magsisilbi rin itong forum para sa inter-agency coordination ng mga programa hinggil sa rabies control.