^

Bansa

OFW todas sa riot

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang Overseas Filipino Worker na kabilang sa mahigit 200 Pinoy deportees matapos na magka-riot sa loob ng selda ng mga ito habang naghihintay ng deportas­yon sa Saudi Arabia.

Sa ulat ng Mirante Middle East, tinukoy sa pangalang Edward ang pagkakakilanlan ng na­sabing PInoy worker kung saan ito ay nasawi sa loob ng cell number 1 ng Haji Airport Deportation Center sa Jeddah.

Ayon kay Migrante Middle East coordinator John Leonard Monterona, kalunos-lunos umano ang sinasapit ng mga OFWs sa naturang deportation jail dahil nagkakagulo ang mga preso dito na kinabi­bilangan ng mga Pinoy at ibang dayuhan dahil sa pag-uunahan na maka­kuha ng supply ng pagkain at inumin.

Bunsod nito’y, matin­ding bugbog at sugat sa katawan ang tinatamo ng mga OFWs dito kaya naman patuloy na nana­wagan ang naturang grupo at ang mahigit na 200 PInoy sa pamamagitan ng Kapatiran sa Gitnang Sila­ngan na pauwiin agad ang mga ito upang hindi na lalo pang mapahamak.

Sinabi pa sa ulat na di­nala ang mga na-stranded na Pinoy na una ng nahuli sa ilalim ng Khandahar bridge sa iba’t-ibang selda sa deportation center at inihalo sa iba pang dayu­hang nakakulong dito.

Nanawagan din ang Migrante kay Pangulong Gloria Arroyo na agad sak­lolohan ang mga biktimang OFWs. (Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

GITNANG SILA

HAJI AIRPORT DEPORTATION CENTER

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

MIRANTE MIDDLE EAST

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with