^

Bansa

P20-M libel isinampa ni Erap vs Yuchengco

-

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong P20 milyong libel ni dating pangulong Joseph Estrada ang business tycoon na si Alfonso Yuchengco dahil sa alegasyon nitong ginipit siya ng una para ibenta ang shares sa Philippine Long Distance Telecommunication Company noong 1998.

Bukod kay Yuchengco, kabilang din sa kinasuhan sina Philippine Daily Inquirer publisher Isagani Yambot; Editor-in-Chief Letty Magsanoc at ang mga reporter na sina Daxim Lucas, Christine Avendaño at Doris Dumlao dahilan sa paglathala sa naturang balita hinggil sa umano’y negatibong paha­yag ni Yuchengco laban sa dating pangulo.

Sa anim na pahinang reklamo ni Estrada na isinumite kay San Juan Prosecutor Tomas Ricalde Jr., sinabi nito na walang katotohanan ang naturang alegasyon ni Yuchengco na ginamit ni Estrada ang posisyon para pilitin ito na ibenta ang shares sa PLDT sa negosyanteng si Manny Pangilinan.

Sinabi ni Estrada na malisyoso ang nasabing pahayag ni Yuchengco at sinisira nito ang reputas­yon, lalo pa plano nitong kumandidato sa 2010 pre­sidential election.

Nangako naman si Estrada na kung mananalo ito sa kaso ay ibibigay ang P20M danyos sa mga biktima ng Pacific Plan na nasa ilalim ng Yuchengco Group of Companies.

Magugunita na kinum­pirma ni Yuchengco ang ex­pose na pinasabog ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Senado hinggil sa panggigipit umano ni Erap sa pamilya Yu­chengco para ibenta ang 7.75 % ng shares nito sa PITC, Metro Pacific Company ng PLDT ni Pangili­nan, para tuluyan ng ma­kon­trol ng Metro Pacific Co., ang PLDT. Ito ay agad naman itinanggi ng kampo ni Pangilinan at nilinaw na isa itong lehiti­ mong komer­siyal na tran­saksiyon.

Una na rin ibinunyag ni dating Securities and Exchange Commission Chair­man Perfecto Yasay na tumanggap umano ng P3 bilyong komisyon si Erap sa PLDT deal. Ito din ang isa sa mga nagbigay-daan para mapatalsik si Estrada sa pagkapangulo ng bansa noong 2000. Bu­maba naman ang senten­siya nito sa kasong plunder noong Setymbre 2007 at nakalaya ilang buwan matapos na bigyan ng exe­cutive clemency ni Pangu­long Arroyo. (Joy Cantos)

ALFONSO YUCHENGCO

CHRISTINE AVENDA

DAXIM LUCAS

DORIS DUMLAO

EDITOR-IN-CHIEF LETTY MAGSANOC

ERAP

ISAGANI YAMBOT

SHY

YUCHENGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with