^

Bansa

Peace talks sa MILF may pag-asa pa

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Avelino Ra­ zon Jr., na matutuloy na ang naudlot na peace talks sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Sec. Razon, ipinabatid sa kanya ni GRP panel chairman Ambassador Rafael Seguis na wala ng hadlang para maantala ang peace negotiations sa MILF matapos na magka­sundo ang GRP-MILF pa­nel na bumuo ng International Contact Group para makapaglatag ng consensus upang maging mata­gum­pay ang usaping pang­kapayapaan.

Ang ICG ay binubuo ng mga interesadong bansa at mga international non-government organizations.

Nanawagan din si Ra­zon sa bawat panig na mag­­tiwala sa isa’t-isa para tuluyan ng mahinto ang hid­waan sa pagitan ng gob­yerno at mga rebelde.

Sinabi ni Razon na na­ ging epektibo ang pina­iral na suspension of mili­tary operations (SOMO) ng gob­yerno at Suspension of Military Actions (SOMA) ng MILF kasabay ng Rama­dan. (J. Cantos/Rudy Andal)

AMBASSADOR RAFAEL SEGUIS

AYON

INTERNATIONAL CONTACT GROUP

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NANAWAGAN

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER AVELINO RA

RAZON

RUDY ANDAL

SHY

SUSPENSION OF MILITARY ACTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with