'Riot' sa poll automation
MANILA, Philippines - Maaring “Riot” ang ka labasan ng eleksiyon sa 2010 kung hindi agad matutugunan ang mga posibleng maging problema sa oras na ipinatupad ang full automation election.
Ayon kay IT Businessman Joey de Venecia III, dapat ay resolbahin muna ng Commission on Elections ang mga magiging suliranin dito, partikular na ang tagal ng proseso ng pagboto ng isang botante.
Bunsod nito’y hiniling ni de Venecia sa Comelec na pag-aralan mabuti ang mga nakaambang problema sa fully-automated polls gaya ng pagkonti ng bilang ng mga presinto dahil sa mga nakaraang eleksiyon ay 200,000 voting precincts ang ginagamit, ngayon ay 80,000 na lang kaya magiging triple ang haba ng pila sa isang presinto, bago tuluyang makaboto ang isang botante.
Kasama din sa problema ang paninibago ng mga botante sa proseso ng eleksiyon at ang pagkuha ng libo-libong machine technician ng Comelec, kaya ang mga ito ay posibleng dahilan para maging riot o magulo ang eleksiyon sa 2010. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending