Gibo-Teves sinusulong ng Lakas

MANILA, Philippines - Mula sa Visayas, Mindanao ang napipisil ng Lakas-Kampi-CMD para punan ang vice presidential bid bilang pantapat sa malakas na kandidatura ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na mula Luzon para maging presidential bet ng partido.

Ilang Lakas stalwarts at Malacañang officials na umano ang kumukumbinsi kay Finance Sec. Margarito Teves para sa pwesto dahil bukod sa may tiwala sila sa kakayahan nito ay tubong Dipolog, Zamboanga del Norte at Dumaguete rin ang mambabatas.

Nauna nang lumabas ang pangalan ni Teves para sa senatorial slate ng administration ticket, pero mas marami ang sumususog sa mambabatas na kumandidato sa pagkapangalawang pangulo.

Samantala, bagaman hindi pa naipo-proklama ang kanilang standard bearer, naniniwala ang mga lokal na miyembro ng partido na si Teodoro ang idedeklara matapos na rin ang show of force ng may 85 kongresista at gobernador na dumalo sa isang breakfast meeting kahapon ng Lakas-Kampi. (Butch Quejada)

Show comments