^

Bansa

20,000 workers kakailanganin sa North Harbor

-

MANILA, Philippines - Dalawampung li­ bong manggagawa o higit pa ang kakailanganin ng North Harbor sa pagsisi­mula ng mo­dernisasyon ng nabubulok na pantalan.

Kabuuang P14.5 bil­yon pondo ang inihanda ng nagwaging Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Harbour Center Port Terminal (HCPT) para sa moder­nisasyon ng North Harbor upang ma­iha­nay sa mga moder­nong daungan sa ibang bansa.

Sinabi ni Tricia Sande­jas, tagapagsalita ng Har­bour Center, igagalang nila ang Terms of Reference (TOR) na inilatag ng PPA kung saan lahat ng traba­hador sa pantalan ay hindi tatanggalin ng nana­long bidder kasama na rin ang collective bargaining agreement sa mga unyon. 

Aniya, hindi mawa­walan ng trabaho ang mga mang­gagawa sa pantalan bagkus ay magbubukas pa ito ng dag­dag na 10,000 hang­gang 20,000 bilang ng mga bagong manggagawa.

Ayon kay Sandejas, nakatakda nang simulan ang modernisasyon ng North Harbor sa taong ito matapos ang mahigit da­ lawang taong bidding process.

Noong nakaraang ling­go ay binuksan ng special bids and awards committee ang mga dokumento na isinumite ng consortium at lumabas na ang HCPT-Metro Pacific ang tanging grupo ng bidders na naka­pasa sa pre-qualification at bidding requirements ng PPA matapos hindi maka­pag-submit ng kanilang kumpletong do­kumen­tas­yon para sa proyekto ang kalaban nilang Asian Terminal Inc. (ATI) at iba pang sumali sa bidding. (Butch Quejada)

ANIYA

ASIAN TERMINAL INC

BUTCH QUEJADA

HARBOUR CENTER PORT TERMINAL

METRO PACIFIC

METRO PACIFIC INVESTMENTS CORP

NORTH HARBOR

SHY

TERMS OF REFERENCE

TRICIA SANDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with