Resbak!

MANILA, Philippines - Rumesbak kahapon si Senador Jose “Jinggoy” Es­ trada kay Senador Pan­filo Lacson sa pagsasabing ito ang dapat managot sa pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito.

Nagbigay ang batang Estrada ng sarili niyang privilege speech bilang ganti sa privilege speech kamakalawa ni Lacson na nagsasangkot sa ama niyang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa smuggling at jueteng.

Halos ipamukha rin ng senador kay Lacson na malaki ang utang na loob nito sa kanyang ama kaya nagkaroon ng magandang puwesto sa Philippine National Police at tumaas pa ang ranggo.

Si Lacson ang hepe ng PNP noong panahon ng administrasyon ni Estrada at siya rin ang namumuno sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force na karamihan sa mga miyem­bro ay nasangkot sa Dacer-Corbito murder. 

Nakilala din lamang umano ng kanyang ama si Lacson sa pamamagitan ni dating general Reynaldo Berroya.

“At ito ang naging daan para mabigyan ng magan­dang posisyon si Ginoong Lacson sa PACC (Presidential Anti-Crime Commission) na pinamumu­nuan ni Pangulong Es­trada na noon ay panga­lawang pangulo,” sabi ni Estrada.

Ayon pa kay Estrada, inililigaw lamang umano ni Lacson ang totoong isyu dahil sa kinakaharap nitong non-bailable na Dacer-Corbito case.

Binasa pa ni Estrada ang isang statement na galing umano sa abogado ni dating Col. Cesar Man­cao na si Atty. Ferdinand Topacio na nagsasabing si Lacson ang utak sa kri­men.

Ipinagtanggol din ni Estrada ang kanyang ama na nais gawing legal ang jueteng sa bansa dahil ito lamang umano ang inaasa­han ng napakaraming kabo, at mga collector ng nasabing ilegal na sugal.

Idiniin niya na nagma­lasakit lang ang kanyang ama sa mga umaasa sa jueteng na mapagkakaitan ng kabuhayan.

Matapos ang talumpati ni Estrada, tumayo naman si Lacson upang makade­bate si Estrada pero tu­manggi ang huli.

Ayon kay Lacson, hindi totoo na si Berroya ang nagpakilala sa kanya kay Estrada.

Nilinaw ni Lacson na nakilala niya si Estrada nang hulihin niya ito noong 1973 dahil sa pambubug­bog nito sa namayapa nang aktor na si Rudy Fernan­dez.

Show comments