Ferry survivors umapela sa PAO
September 15, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines - Ilang survivor o pasaherong nakaligtas sa paglubog ng SuperFerry 9 sa Siocon Bay sa Zamboanga noong Setyembre 6 ang nagpatulong kahapon sa Public Attorney’s Office para sa pagkuha ng kaukulang claim sa Aboitiz Transport System na may-ari ng naturang barko.
Hiniling nina Roger Sitcharon, mag-inang Merlinda at Romelyn Gerodias, Neoly Dasal at isang Cassandra Rivera na gabayan sila ng PAO sa pagkuha ng claim at kung magkano ang dapat nilang matanggap. (Gemma Amargo-Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended