Minahan sa Zambales sinisi sa pagbaha
MANILA, Philippines - Mga pagmimina na kumakalbo sa mga kabundukan ng Zambales ang isa umanong dahilan kaya nakakaranas ng malaking pagbaha ang maraming barangay sa ilang bayan sa lalawigan.
Ito ang sinabi kamakailan ni Romeo Enriquez, chairman ng Barangay San Agustin, Iba, Zambales sa isang media forum sa Maynila.
Binatikos ni Enriquez ang mga tauhan ng isang mataas na opisyal ng lalawigan na pasimuno umano sa mga minahan sa kabundukan.
Pinuna ni Enriquez na, noong panahon ni dating Zambales Governor Vicente Magsaysay, hindi nila naranasan ang mga landslide, pagbaha, pagkawasak ng mga tulay at dike at sapa. (Mer Layson)
- Latest
- Trending