^

Bansa

10-M pirma target vs tax sa text

-

MANILA, Philippines - Isang malawakang “signature campaign” ang ilili­ bot sa buong Pilipinas ng isang civic group laban sa nilulutong pagbubuwis sa text messages sa Maba­bang Kapulungan ng Kon­greso na layong makakalap ng 10 milyong pirma o higit pa.

Sinabi ni Cellphone Ow­ners and Users of the Philippines (COUP) foun­der Ariel Inton na uumpi­sa­han na ngayong linggo ang pag-iikot ng kanilang daan-daang mga miyem­bro para sa pagpapapirma upang maihayag ang pag­kontra ng sambayanan sa pani­bagong pasakit sa bulsa ng mga karaniwang Filipino.

Ayon kay Councilor Inton, kasalukuyan ring majority floor leader ng Quezon City Council, hihi­ngin nila ang tulong ng ma­mamayan upang tutulan ang panukala ni Cong. Danilo Suarez.

Isusumite nila ang ma­kakalap na mga pirma sa Kamara at maging sa Se­nado upang maipa­kita sa mga mambabatas ang bi­lang ng mga taong tumu­tutol dito.

Ipinaliwanag ni Inton na nais nilang maliwana­ gan kung paano ipapataw ang tax kasabay ng pag­giit na imposible ang sina­sabi ng mga kongre­sis­tang puma­bor sa panu­kala na hindi ito ipapasa sa mga consumer. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARIEL INTON

AYON

CELLPHONE OW

COUNCILOR INTON

DANILO SUAREZ

QUEZON CITY COUNCIL

RICKY TULIPAT

SHY

USERS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with