^

Bansa

Obispo duda kay Noynoy

-

MANILA, Philippines - Duda si Manila Auxil­lary Bishop Broderick Pa­billo sa pahayag ni presidential aspirant Senador Benigno “Noynoy” Aquino III na bibitiwan na ng pa­milya nito ang kanilang share sa kontrobersiyal na Hacienda Luisita sa Tarlac.

Sinabi ni Pabillo na dapat na tingnang mabuti ng mga mamamayan ang tunay na paninindigan ng senador sa urban poor at sa kapaligiran lalo na’t ginawa nito ang pahayag na bibitiwan ang hasyen­da, sa panahong nagdek­lara na ito ng layuning tumakbo sa pampangulu­hang halalan sa 2010.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang Hacienda Luisita dahil sa labor dispute dito na nagresulta sa pagkamatay ng pitong magsasakang nagpu-pro­testa.

Idinagdag ng obispo na dapat ring busisiin ng ma­mamayan ang prayoridad ni Aquino sa magiging programa nito lalo na’t tumangging bumoto ito noong panahon na ipina­pasa sa Senado ang Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform.

Sa kabila nito, umaasa naman si Pabillo na tutu­lungan ni Aquino ang mga magsasaka at manggaga­wa ng Hacienda Luisita para mabigyan ng kataru­ngan ang mga ito at ipa­ilalim ito sa land reform.

Naunang pinuna ng senador na, hanggat hindi binibitiwan ng kanilang pamilya ang hasyenda, patuloy na mababahiran ito ng isyung pulitikal. (Mer Layson at Doris Franche)

AQUINO

BISHOP BRODERICK PA

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DORIS FRANCHE

EXTENSION AND REFORM

HACIENDA LUISITA

MANILA AUXIL

MER LAYSON

PABILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with