Singil sa kuryente, tataas sa Oktubre

MANILA, Philippines - Tataas ang halaga ng singil ng kuryente sa dara­ ting na buwan ng Oktubre makaraang payagan ng National Power  Corporation (Napocor) na kumolek­ta ang mga electric company ng mas mataas na halaga sa mga consumers nito para sa programang madaluyan ng kuryente ang mga nasa malalayo at liblib na lugar sa bansa.

Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), magbabayad ang mga consumers sa susunod na buwan ng karagdagang 9.78 sentimo kada kilowatt hour (kWh) para sa tinata­wag  na universal charge sa ilalim ng missionary electrification ng Napo­cor Small Power Utilities Group (SPUG).

Ang paglabas ng ba­gong pagtaas ng kuryente mula sa Napocor-SPUG na inayunan ng regulatory para sa koleksiyon ng karagdagang P28.48 bilyon pondo sa operasyon nga­yong taon. (Angie dela Cruz)

Show comments