^

Bansa

Ihi ininom ng 18 OFWs

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Mas pinili ng 18 Pinoy workers na uminom ng ihi para mabuhay sa pinapa­sukang palm oil plantation sa Sabah, Malaysia.

Kinilala ang mga overseas Filipino workers na sina Domingo Espadon, Roberto Caololan, Ariel Catedrilla, Enrique Nonato, Phoebes Cerbo, Dexter Cerbo, Fernandito Doti, Gil Belonio, Helbert Belonio, Ruel Tirados, Joey Miran­da, Zaldy Olivares, Junriel Bacud, Rene Dalipi, Vany Babiera, Albert Perasol, Andrei Bonite, at John Casiple, pawang nagmula sa Iloilo at Tapaz, Capiz.

Sa pahayag ni Vany Babiera sa ginanap na pulong balitaan ng Mi­grante International at Gabriela Women’s Party, may mga oras na ihi at tubig mula sa maruming sapa na lang ang kanilang iniinom para mabuhay dahil wala silang makain at mainom sa plantasyon, kaya marami na ang nag­kakasakit sa kanila.

Ang mga biktima ay nirecruit umano ng isang Felix Castronuevo kaya nakarating ang mga ito bilang turista sa Malaysia ngunit mamamasukan sa Timor Entreprises sa Sa­bah. Pinangakuan sila na susuweldo ng MYR700 o P10,000 kada buwan at libreng bahay at pagkain, ngunit pagdating dito ay pinasasahod lang sila ng MYR300 - 400 o may ka­tumbas ng P4,000-P5,500 at binabawas pa rito ang ginastos sa pagproseso ng kanilang pasaporte, pag­kain at kuryente.

Bunsod ng nasabing ka­lupitan ay agad na humi­ngi ng tulong ang nasabing mga grupo sa Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy para sagipin ang mga ito mula sa plan­tasyon.

Ang mga biktima ay kabilang sa 22 Pinoy Wor­kers na dumating sa bansa noong Enero 2009 na walang kaukulang working visa at illegal na pumasok sa Malaysia.

ALBERT PERASOL

ANDREI BONITE

ARIEL CATEDRILLA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEXTER CERBO

DOMINGO ESPADON

ENRIQUE NONATO

FELIX CASTRONUEVO

SHY

VANY BABIERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with