^

Bansa

Customs bigo sa 'ukay-ukay'

-

MANILA, Philippines - Binatikos ng Buklurang Manggagawang Pilipino (BMP) at Federation of Philippine Industries (FPI) ang pagkabigo ng Bureau of Customs na mapahinto ang pagdagsa ng “ukay-ukay”, agricultural products at iba pang mga smuggled goods sa bansa.

Sinabi ni Leody de Guzman ng BMP, libo-libong manggagawa ang nawawalan ng trabaho sa garment industry dahil sa hindi masawatang smuggling ng mga “ukay-ukay” na may kasamang mga imported na used clotihing.

Ayon din kay Portia Ariesgado ng Association of Displaced Filipino Wor­ kers, maraming mang­ga­gawa sa mga pabrika par­tikular sa garment industry ang nawalan ng tra­baho matapos magsara ang kanilang pagawaan dahil sa talamak na smuggling sa bansa ng “ukay-ukay”.

Umapela naman si FPI president Jesus Aranza sa Kongreso na mahigpit na ipatupad ang Lateral Attrition Law upang maeng­ganyo lalo ang BOC na palakasin ang kanilang tax collections at labanan ang smuggling.

Hiniling din ni Aranza sa Kongreso ang pagsa­sagawa ng imbestigasyon dahil sa pagkabigo ng BOC na labanan ang pag­pasok ng smuggled na ukay-ukay gayundin ang pagkabigong mapalago ang koleksyon nito na sinasabi ng International Monetary Fund na short ng P100 bilyon. (Rudy Andal)

vuukle comment

ASSOCIATION OF DISPLACED FILIPINO WOR

BUKLURANG MANGGAGAWANG PILIPINO

BUREAU OF CUSTOMS

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

INTERNATIONAL MONETARY FUND

JESUS ARANZA

KONGRESO

LATERAL ATTRITION LAW

SHY

UKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with