^

Bansa

Libu-libo magugutom sa North Harbor project

-

MANILA, Philippines - Libu-libong pamilya ang nanganganib na magutom, mawalan ng trabaho at tahanan kapag itinuloy ng Philippine Ports Authority ang pag-award sa dala­ wang kum­panya ng 25-year Manila North Harbor Modernization Project.

Sa isang Media Forum sa Manila kahapon, sinabi nina Bayan Muna Partylist Representative Teodoro “Teddy” Casino at United Filipino Sea­farer’s President Nelson Ramirez na nanganganib ang kabuha­yan ng may 150,000 pamil­yang resi­dente ng Manila North Harbor dahil ang da­lawa umanong kumpan­ya na napipisil ng PPA ay wa­lang kakayahan para isa­moderno ang North Harbor.

Sinabi pa ni Casino na nagkaroon umano ng ano­malya sa bidding process ng proyekto kaya naghain siya ng reso­lusyon na hu­mihiling sa Kongreso na imbestiga­han ang PPA hinggil sa Manila North Harbor Modernization Project.

Si Ramirez naman ay naghain ng petition to intervention sa Korte Su­prema para mapigilan ang pro­yek­to bunsod uma­no ng ma­aaring pag­lustay ng pondo ng gob­yerno ng aabot sa mahigit sa 10 bilyong piso.

Ani Casino at Rami­rez, hindi umano binigyan ng PPA ng seguridad sa traba­ho ang libo-libong mangga­gawa sa pantalan pati na ang posibleng pagpapala­yas ng walang sapat na pro­gramang pang-relokas­yon sa mga squatters na ma­tagal nang naninirahan at nabubuhay sa loob ng North Harbor. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANI CASINO

BAYAN MUNA PARTYLIST REPRESENTATIVE TEODORO

BUTCH QUEJADA

KORTE SU

MANILA NORTH HARBOR

MANILA NORTH HARBOR MODERNIZATION PROJECT

MEDIA FORUM

NORTH HARBOR

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with