^

Bansa

Labanan ng mag-pinsan sa 2010

-

MANILA, Philippines - Ilang araw matapos na magdeklara si Senador Noynoy Aquino na tatakbo na siya sa pagka-Pangulo sa 2010 sa ilalim ng Liberal Party (LP), inihayag na­man ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr, na ma­laki ang posibilidad na mag­karoon ng “Co­juangco-Cojuangco fight”, sa kabila na hindi pa ito opisyal na pambato ng Lakas-Kampi-CMD.

Ayon naman sa ilang political expert, bagaman inaasahang magiging ma­gandang laban kung mag­sasagupa sa 2010 ang magpinsan, malaki naman anya ang pagka­kaiba ng dalawa dahil ginagamit ni Gibo ang isyu ng giyera sa Mindanao para tumakbo bilang pre­sidente habang si Noynoy naman ay tinu­tulak ng publiko na tu­makbo bilang pangulo.

At dahil sa pagiging Cojuangco rin niya sa ‘surname’, pakiramdam uma­no ni Gibo ay karapat-dapat siya sa titulong Pangulo ng bansa, at ma­kumbinsi ang mga miyem­bro at lider ng Lakas-Kampi na gawin siyang ‘standard-bearer.’

Bagamat nasa Lakas-Kampi-CMD umano ito, nag-aalinlangan naman at nagkakaroon ng suspetsa ang mga miyembro kung magiging ‘loyal’ sa partido o magiging karapat-dapat ba si Gibo sa nominasyon.

Si Gibo din umano ang lumabas na pinakama­baba sa survey kumpara sa ibang mga presiden­tiables gaya nina Vice President Noli de Castro at MMDA Chairman Bayani Fer­nando. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN BAYANI FER

COJUANGCO

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO JR

GIBO

LAKAS-KAMPI

LIBERAL PARTY

PANGULO

SENADOR NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with