North Harbor Project iimbestigahan

MANILA, Philippines - Itutulak ni Bayan Muna Partylist Rep. Teodoro ‘Teddy’ Casiño sa Maba­bang Kapulungan ang imbestigasyon sa 25-Year Manila North Harbor Modernization Project na ina­asahang ia-award ng Phi­ lippine Ports Authority (PPA) sa dalawang consortium o kumpanya.

Napagdesisyunan ni Casiño na silipin ang milyo­nes na proyektong impras­traktura ng gob­yerno ma­tapos dumulog sa kanya ang ilang mga grupo ng mga mangga­gawa sa pan­talan, mga libu-libong na­ninirahan dito, pati na ng isang pede­rasyon ng mga migrant workers kama­kailan upang harangin ang nasa­bing proyekto.

Ayon sa mga grupo, tinu­tutulan nila ang Manila North Harbor Modernization Project dahil ang imple­mentasyon nito ay sasa­gasa sa kanilang mga ka­rapatan at kabu­hayan na hindi kinonsi­dera sa bidding bukod pa sa malaking posi­bilidad na ang bidding mismo ng nasabing pro­yekto ay nababalutan ng ano­malya.

Noong Marso 23, 2009, nagsampa na si Rep. Ca­siño, kasama si Bayan Muna Partylist Rep. Satur C. Ocampo, ng House Re­solution No. 1066 upang imbestigahan ang diuma­no’y maano­malyang bidding ng Manila North Harbor Moder­nization Project.

Nakatakdang ihain ni Casiño ang kanyang ma­riing oposisyon sa Manila North Harbor Modernization Pro­ject pati na ang mga hak­bang na kanyang gagawin upang masegu­rong mai­imbes­tigahan sa Maba­bang Kapulungan ng Kon­greso ang bidding ng nasa­bing proyekto. (Butch Quejada)

Show comments